Mga operators ng all-terrain vehicle (ATV) car sa Cagsagawa Ruins sa Daraga, Albay, ipinatawag para bumuo ng asosasyon at opisyal

LEGAZPI CITY – Ipinatawag ng local chief executive ng Daraga, Albay ang lahat na mga operators ng all-terrain vehicle (ATV) car para pag-usapan ang pagre-regulate ng operasyon nito sa nasabing lugar.

Ayon kay Mayor Awin Baldo ng nasabing bayan, kinakailangang mag-organisa ng asosasyon at maglagay ng opisyal para makapagsumite ng resolusyon na sinasabi kung ilan lamang ang pahihintulutang mga myembro na mag-operate.

Dagdag pa nito, dito rin malalaman kung ilang myembro lang dapat ang irehistro na ATV at magiging standard Rental fees.

Kinakailangan umano maging standard price ang nasabing sasakyan para mapreserve ang industriya na sila rin ang mabebenipisyohan.

Maliban pa rito, mayroon din dapat accredited tour guides at photographers na sasailalim sa pagsasanay at seminar ng Department of Tourism.

Aniya, ang bawat operator ay mayroon din dapat na maayos na mekanico na magmamantina ng ATV.

Sinabi pa ng Alkalde, dapat rin kompleto ang mga personal protective gear o PPE sa mga rider at dapat nakapag-train bago ang pormal na pag-byahe ng mga ito.

Planu rin ng lokal na Pamahalaan, na maglagay ng training area upang makapag-ensayo ang mga raider bago isabak sa aktwal sa pagsakay at maturuan rin ng basic rules.

Ang hakbang na ito ay base sa Cagsawa development plan ng Alkalse upang maisaayos at maipromte ang Cagsawa na isa ng international tourist destination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *