Mga opisyal ng DA, kailangang maging handa na harapin ang kaso kaugnay sa sugar importation

Binigyang diin ni Sen. Risa Hontiveros na kailangang maging handa ang mga top agriculture official at iba pang indibidwal na dawit sa umano’y ilegal na pag-angkat ng asukal na harapin ang mga kaso.

Ang pahayag ni Hontiveros ay matapos nitong tawagin ang shipments bilang “government-sponsored smuggling.”

Una nang kinuwestiyon ng mambabatas ang pagdating noong Feb 9 ng imported sugar, na mas maaga bago ang pagiging epektibo ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Sugar Order No. 6.

Ayon sa senadora, na natukoy na ang tatlong mga importers na bibigyan ng mga alokasyon bago ang sugar order, na kinabibilangan ng All Asian Countertrade, Sucden Philippines Inc., at Edison Lee Marketing Corporation. Matatandaan na naghain si Hontiveros ng resolusyon na nananawagan sa Senate Committee on Public Accountability and Investigation na imbestigasyon ang naturang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *