Suspendido muna ang face-to-face classes na naka-schedule na magsimula sana sa January 10, araw ng Lunes.
Ito ay sa mga lugar na kabilang o itinaas sa Alert Level 3 ang Alert Level System mula January 9 hanggang January 15.
Ayon kay Zambales Asst. Schools Division Supt. Michelle Mejica, kailangang sundin ang kautusan ng kagawaran.
Ang mga kasalukuyang may face-to-face classes sa Zambales ay tuloy-tuloy pa rin dahil nasa malalayo umano itong lugar pero hindi muna papayagan na magdagdag ng grade level.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO