Mga pag ulang dulot ng tropical storm Karding mararanasan sa Camarines Norte simula hatinggabi ng linggo, kakulangan naman ng ulan naranasan ngayong buwan

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa na simula hatinggabi ng linggo hanggang umaga ng Lunes ay mararanasan na ang mga pag ulan sa Kabikulan.

Sa panayam ng Brigada News FM sinabi ni Pagasa Daet weather specialist Anjanete Ebron na Southwest monsoon o habagat ang makaapekto sa Bicol Region at extension ng bagyong Karding kaya asahan umano ang mga pag ulan.

Gayunman mas malalakas na pag ulan ang mararanasan sa mga dadananan ng bagyo sa Northern Luzon tulad ng Batanes, Cagayan at Isabela.

Light to moderate naman ang mararanasang pag ulan sa lalawigan.

Samantala, kakulangan naman ng ulan ang nararanasan ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte dahilan ng pagbaba ng lebel ng tubig sa mga balon na pinagkukunan ng inumin lalo na sa mga barangay.

Pinangangambahan na kung magpapatuloy ang ganitong scenario ay posibleng maapektuhan ang mga source ng tubig tulad ng dam lalo na ang spring sources.

Ayon kay Ebron mula ng pumasok ang Setyembre ay bihira ang mga pag ulan at sa katunayan ay may mga araw na matindi ang init ng panahon.

Gayunman, dahil sa mga bagyong inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa mga ganitong panahon ay may mga mararanasang pag ulan.

Asahan umano na mararanasan ang malalakas na ulan pagpasok ng Nobyembre dahil sa pagbabago ng iiral na weather sysem.

Sa buwan naman ng Oktubre ay magkakaroon na ng transition mula habagat patungo sa panahon ng amihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.