Mga Palaweño na miyembro ng NPICC, pinag-iingat ng isang abogado

Pinag-iingat ng isang kilalang abogado sa lungsod ng Puerto Princesa ang mga Palaweño laban sa mga organisasyon o indibidwal na nangangako ng malaking halaga ng pera ngunit kaakibat nito ay ang pagbabayad sa kanila.

Ayon kay Atty. Joemar Caluna, walang batas o walang katotohanan ang ipinakakalat na impormasyon na mayroong ipapamanang kayamanan ang gobyerno para sa mahihirap na Pilipino mula sa yaman ng pamilyang Marcos.

Una rito ay nagpahayag ng pagkabahala si Caluna na mayroon nang mga nahikayat na Palaweño kung saan ang ilan sa kanila ay nalugi ngunit wala pa rin napapala tulad sa National People’s Initiative Council Committee (NPICC).

Iginiit nito sa Tira Brigada na kung mayroong pera ang gobyerno ay hindi ito bastang ibibigay sa benepisyaryo dahil may prosesong kailangang pagdaanan.

Samantala, maaari umanong magsampa ng kaso ang mga naging miyembro ng NPICC laban sa mga namumuno rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *