Mga palay farmers sa Sorsogon, hinimok na magbenta ng kahit 10% ng kanilang ani sa NFA

SORSOGON CITY—Hinimok ng National Food Authority (NFA) ang mga magsasaka sa Sorsogon na magbenta sa kanila ng mga aning palay.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay NFA Sorsogon-Masbate Branch Manager Julie Llenaresas, sinabi nito na sa ngayon ay nananatili sa P19.00 bawat kilo ang bilihan nila ng palay sa kondisyon na ito ay clean and dry.

Maaari umanong magbenta ang mga magsasaka sa kanilang mga buying stations sa buong lalawigan. Sa bayan ng Castilla, maaaring dalhin ang mga aning palay sa Barangay Hall ng Barangay Mayon at CADECO naman sa Barangay San Rafael.

Sa bayan ng Gubat, sa GUFADECO Building; sa bayan ng Juban, sa Brgy. Aroroy covered court; sa bayan ng Irosin, sa RPC warehouse sa Brgy Buenavista; sa bayan ng Barcelona, sa Brgy. Macabari at sa mismong NFA Office sa Brgy. Cabid-an para sa mga magmumula sa lungsod ng Sorsogon.

Maliban dito, maaari rin nilang puntahan upang personal na hakutin ang mga palay sa mga lugar na wala silang mga buying stations sa kondisyong hindi bababa sa 30 sako ang ibebenta sa kanila. Maaari umano silang itext sa hotline na 09393294507.

Anya, amamaraan ito ng ahensya upang hindi na magastusan pa ang mga magsasaka sa pagtransport ng kanilang mga palay.

Panawagan ng NFA sa mga palay farmers, ibenta sa kanila ang kahit 10% ng kanilang kabuuang ani upang may magamit sa buffer stocking na kailangan sa panahon ng mga kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *