Mga Palestinong asawa ng mga Pilipino sa Gaza, papayagang makatawid sa border ng Egypt

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na papayagang makatawid sa border ng Egypt ang mga Palestinong asawa ng mga Pilipino sa Gaza.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, naghihintay na lamang ang DFA ng nakasulat na pag-apruba mula sa Ministry of Foreign Affairs sa Israel.

Nauna nang sinabi ng ahensya na 39 Pilipino ang tiyak na nakatawid sa Rafah crossing.

Sa ngayon, pito pa ang nagdadalawang-isip tungkol sa pag-alis sa Gaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *