Mga pambabatikos sa textbooks na umano’y nagsu-‘sugar coat’ sa Martial Law era, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga bumabatikos sa umano’y ‘whitewashing’ ‘o ‘yung ‘sugarcoating’ sa panahon ng martial law sa ilang mga aklat sa high school.

Una na kasing isiniwalat ng ilang grupo ng mga guro ang pagpalit sa termino ng ‘martial law era’ bilang ‘new society period’ o ‘bagong lipunan’.

Sa isang panayam, sinabi ni Teachers’ Dignity Coalition national chairperson Benjo Basas na kung sino man ang nag-awtor sa aklat nito ay ‘masyadong passionate’ kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Giit ni Basas, na-establish na ng mga akademiko’t mga historian na mayroon talagang martial law at hindi ito basta-basta dapat palitan.

Nanindigan ito na ang pagtawag sa ‘martial law’ bilang ‘new society’ o ‘golden age’ ay isang malinaw na sugarcoating.

Sa hiwalay na pahayag, idiniin din ni Senadora Risa Hontiveros na hindi dapat maging enable ng Martial Law rebranding ang Department of Education.

Aniya, trabaho ng DepEd pati na rin ng Commission on Higher Education na ituto ang katotohanan at ang  totoong sinapit ng bansa sa ilalim ng diktadurya ni Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *