Mga pananim sa Koronadal sinira ng malakas na hangin at ulan

KORONADAL CITY- PINSALA sa mga pananim ang iniwan ng malakas na ulan at hangin kahapon sa ilang mga barangay sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang inahayag ni Cyrus Jose Urbano, City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMO)-officer ng lungsod sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Urbano na kabilang sa mga nakapagtala ng pinsala dahil sa masamang panahon ay ang mga barangay ng San Isidro, Sta Cruz, GPS, San Roque at iba pa.

Dagdag pa ni Urbano, na maliban sa pinsala sa mga pananim may ilang mga bahay naman ang nabagsakan ng punong kahoy at may poste ng koryente na natumba.

Sa ngayon patuloy naman ang monitoring ng CDRRMO sa 27 barangay sa epekto ng malakas na hangin at ulan kagabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *