Mga pangunahing nagawa ni Bicol University Pres. Mascariñas, inilatag

Bago pa man tuluyang magtapos ang termino ni Bicol University President Dr. Arnulfo Mascariñas ay kanyang ibinahagi ang ilan sa kanyang pangunahing mga akomplisimento sa loob ng walong taon ng kanyang administrasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mascariñas, una niyang inilatag bilang isa sa major accomplishments ay ang pagbabago na may kinalaman sa pisikal na aspeto ng pamantasan.

Ayon sa kanya, mula noong 2015 hanggang ngayong 2023, marami umano ang mga pagbabago lalung-lalo na kung pag-uusapan ang napakaraming mga bagong gusali at pisikal na mga pasilidad na itinayo rito na naging posible sa tulong na rin ng ilang mga kongresista sa Albay.

Sa parehong aspeto, malaki rin ang pagbabago pagdating sa mga laboratories na isa sa pinakanais niyang madevelop para na rin sa mga mag-aaral at mga mananaliksik.

Pangalawa umano sa kanyang mga pangunahing akomplisimento ay ang massive human resource development, kung saan ayon sa kanilang datos ay mayroong halos 300 na mga tauhan ng BU faculty members ang ipinadala sa ilang mga nangungunang mga pamantasan sa loob at labas ng rehiyon maging sa ibang bansa upang magkaroon ng masters o doctorate degree.

Sumunod naman dito ay mga innovative policy measures upang mapalawak ang resource utilization ng pamantasan.

Aniya, nang siya ay umupo bilang presidente, siniguro niyang ang pondo ay magamit nang maayos dahil maraming mga pangangailangan ang pamantasan pagdating sa mga pasilidad, ICT, at iba pa.

Dagdag pa niya, noong nagkaroon ng pandemya ay maraming nagawang mga innovative policy measures sa ilalim ng kanyang administrasyon upang hindi magkaroon ng problema ang mga mag-aaral at ang faculty.

Ang mga pangunahing mga akomplisimentong ito ay naging posible umano sa tulong ng board of regents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *