Mga parokya sa Caceres, lumilikom ng tulong para sa mga Mayon Evacuees

NAGA CITY- Lumilikom ng tulong ang Caritas Caceres para sa mga evacuees na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa maraming parokya, inilalaan ang second collection ng ilang misa para sa kanila. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni  Social Action Ministry, Caritas-Caceres executive director Fr. Marc DP. Real, sa ngayon kaunti pa lamang ang naiipon nila sa halagang P15,000 at mayroon na ring mag nag papadala ng bigas , tubig at iba pa kanilang opisina.

Sa ngayon hindi pa sila nakikipagsabayan sa pagpapadala ng tulong dahil mayroon pa naman base sa pagtatala ng kanilang counterpart sa Albay. Bumubuhos pa rin ang ayuda mula sa National Government.

Sa mga nais magpadala ng tulong makipag-ugnayan sa mga parokyang sakop ng Archdiocese of Caceres tulad ng mga simbahan sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *