Mga pasyente ng “Operation Klaro” sa Naga City tatangalin na sa talaan ng PDAO

NAGA CITY – Tatangalin na sa talaan ng Persons With Disabilities Affairs Office (PDAO) ng Naga City ang mga benipisyaryo ng isinasagawang “Operation Klaro” dahil sa hindi na ang mga ito makokonsiderang may kapansanan lalo pa kung tuluyan ng gumaling ang kanilang naoperahang mga mata.

Makakakita na sila kaya hindi na sila PWD. Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Atty. Paul John Barrosa, head ng PDAO kaugnay sa nagpapatuloy na programa.

Sa paliwanag ni Atty. Barrosa, sa unang araw ng operasyon, may 170 ang naoperahan, sa ikalawang araw may 75 at inaasahan nilang sa pagtatapos ng operasyon bukas araw ng Sabado, nasa 500 na ang naoperahan.

Ang Operation Klaro ay nagsimula noong araw ng Lunes na kung saan may nagpatalang mahigit tatlong libong individual na may problema sa mga mata na hindi lang mga taga lungsod kundi may galing pa sa ibang bayan.

Iyong mga hindi napili ay neresetahan na lamang dahil kaya pang madala sa pag inom ng gamot.              

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *