Mga pasyenteng makakaranas ng malalang sintomas ng COVID-19, pwedeng ireport sa pamamagitan ng One Hospital Command System ng DOH Bicol

BICOL—Maaaring itawag sa Deparrment of Health (DOH) Bicol sa pamamagitan ng One Hospital Command System sakali mang mayroong COVID patient na naka isolate sa isang lugar na makakaranas ng malalang sintomas.

Kabilang sa mga tinukoy ng kagawaran ay kung ang pasyente ay makakaranas nh hirap sa paghinga o paninikip ng dibdib at kailangang maadmit sa ospital. Maaarinh tumawag sa 09162349063 o telephone number na (052) 204 -0040, Local: 508.

Pwede ring tumawag dito ang mismong mga ospital o isolation facilities na may pasyenteng kailangang mailipat sa COVID-19 referral hospitals dahil sa malalang kondisyon.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ng DOH na tanging mga confirmed COVID patients na may malalang kondisyon lamang ang maaaring itawag sa mfa nabanggit na numero at nangangailangang mailipat ng pasilidad.

Kung ang isang pasyente umano ay hindi naman kumpirmadong COVID positive at biglang makaranas ng sintomas, pinapayuhan itong magtungo sa pinakamalapit na Rural Health Unit (RHU) para magpakonsulta.

Maaari ring idulog sa mga nabanggit na numero ang mga usapin sa mga pasilidad o ospital may kaugnayan sa COVID-19, kailangan lamang tiyaking may kaukulang pruweba o dokumento kung may reklamo.

Sa huli ay muling ipinaalala ng ahensya ang tamang pag iingat at pagsunod sa minimum health standard upang makaiwas sa COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *