CAMARINES NORTE- Nanganganib na mahinto ang pagtanggap ng buwanang pensyon ng mga pensyonado na hindi nag comply sa Annual Confirmation of Pensioner (ACOP).
Sa panayam ng Brigada News FM sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na on-going ngayon ang ACOP kaya naman ang mga hindi nakapag report sa ibinigay na deadline noong Marso ay pinagrereport dahil nanganganib na mahinto ang tinatanggap na buwanang pension.
Kaya naman pinaalalahanan ni Robredo ang total disability at survivor Pensioners gayundin ang kanilang mga dependendent na agad magreport dahil sa loob ng dalawang buwan ay mahihinto na ang pagtanggap ng pensyon.
Nilinaw naman ni Robredo na hindi pa required na magreport ang regular pensioners.
“Magrereklamo na naman sila wala silang natanggap, pero ang deficiency sa kanila kasi hindi sila nagreport, ah yung mga surviving date of death ng SSS members, so yung mga regular ano natin pensioners, wala pang requirement na magreport sila, so yung survivor lang, dependents and disability pensioners, yun lang po ang require to report for annual ano po confirmation of pensioners,” ani Robredo.
