Mga pera sa dalawang piso wifi machine sa Brgy. Sta. Monica, ninakaw!

Wanted ngayon sa awtoridad ang apat na kalalakihan na nakuhanan ng CCTV footage habang umaaligid sa Pajara Road Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Nawala kasi ang kaha ng dalawang Piso Wifi machine na pagmamay-ari ni Mary Cris Rodriguez Bacomo nitong nalipas na Sabado.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang dalawang lalaki na umaaligid sa establisyemento bandang ala-una ng madaling araw kung saan ang isa ay nakahubad ng pang-itaas at naka-boxer shorts habang ang isa ay naka-suot ng itim na t-shirts.

Nakita rin sa footage na may dalawa pa itong kasamang lalaki na tumakbo papalayo sa harap ng establisyemento.

Maya-maya pa ay yumuko na ang CCTV at tanging kalsada na lang ang nakuhanan nito.

Samantala, umaga na kinabukasan natuklasang wala na ang kaha ng piso wifi ngunit hindi alam ng may-ari kung magkano ang halaga ng pera na natangay.

Natuklasan na ang mga walang laman na kaha sa likod ng isang boarding house malapit sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *