Mga pera sa donation boxes ng simbahan sa Padre Garcia, Batangas, nilimas ng magnanakaw

Nilimas ng magnanakaw ang perang laman ng donation box ng Parish Priest of Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Church sa Brgy. Poblacion, Padre Garcia, Batangas matapos itong nilooban ng hindi pa nakikilalang magnanakaw.

Ayon sa report ng Padre Garcia Municipal Police Station, nadiskubre ng convent boy noong Sabado ng umaga, July 16, 2022 na sinira ang padlock ng kanang pintuan ng naturang simbahan sa kumpisalan.

Nakita rin umano nito na sinira ang mga padlocks ng mga donation boxes sa public CR, adoration chapel at sa paanan ng krusipiho saka nilimas ang mga lamang pera sa loob nito.

Dagdag pa sa imbestigasyon na umakyat sa exit gate ang magnanakaw kaya nakapasok sa loob ng simbahan.

Bago umalis ay tinangay rin ng suspek ang mountain bike na nagkakahalaga ng P30,000.00 na nakatago sa loob ng opisina ng simbahan.

Umaabot sa kabuuang P11,000.00 ang natangay na pera ng magnanakaw mula sa mga donation boxes na kanyang sinira.

Napag-alamang sira ang CCTV ng simbahan kaya hindi nakuhanan ang nangyaring nakawan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *