Mga personahe ng Iriga City Police Station sinasanay na sa arnis kontra krimen; trainors kabilang sa National Medalist sa arnis team

NAGA CITY – Nagsimula na sa unang araw ng pagsasanay kahapon ang mga personahe ng Iriga City Police Station sa arnis na kung saan ang venue ng aktibidad ay sa mismong harapan lamang ng kanilang opisina.

Ang self-defense and Arnis Trainor ay si Mr. Macelle Alfonso at si Jeffrey Miña mga national medalists ng Arnis Team .

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay PLT.Bella Vergara Cereno ang spokesperson ng Iriga City Police Station, sinabi nito na ito ay bahagi ng Police Enhancement Training Program sa pag depensa gamit ang arnis at hindi ang baril.

Ito ay tinawag nilang ”Arnis mo: Buhay ko” na nilahukan partikular na ng PNP FTP MASINUROG Class.

Binigyan diin ni Cereno na hindi sa lahat na sitwasyon ay baril ang puwedeng gamitin ng mga pulis sa pag depensa o paglaban sa kriminalidad, puwede rin anyang mga yantok kaya kailangan na matuto ang mga pulis.

Ang Iriga City Police Station ay kinikilalang Best Police Station sa buong Bikol mula May taong 2020 at ngayong June 2021 dahil na rin sa masigasig nilang pagpatupad ng mga programa at aktibidad laban sa krimen lalo na sa war on drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *