Mga personahe ng LTO-Bicol, nabigyan ng pagkilala

NAGA CITY- 23 na mga personahe ng Land Transportation Office ang nabigyan ng pagkilala dahil sa kanilang pagpapagod sa kampanya laban sa mga colorum vehicles.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni LTO Regional Director Franz Ranches na sa anim na probinsya sa rehiyon batid niya ang dedikasyon sa malinis na trabaho ng mga enforcers kahit pa minsan ay pinagbabantaan din.

Marami na aniya ang mga naharang na mga colorum vehicles, ang iba ay kinasuhan na an mga driver habang ang ilan ay nasa proseso pa.

Batid ni Ranches na minsan ay nababatikos ang kanilang tanggapan dahil may nakakalusot umanong colorum , limitado aniya ang tao nila kumpara sa mga gumagawa ng iligal subalit hindi ito daan upang panghinaan ng loob sa kampanya sa kaligtasan ng mga mananakay at driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *