Mga personahe ng Naga CDRRMO walang natatanggap na hazard pay sa panahon ng kalamidad, at pandemya

NAGA CITY –Nagkasakit lahat ng mga personahe ng City Disaster Risk Reduction Managament Office sa kasaagsagan ng COVID-19, isa sa mga ito ay namatay pa, subalit sa kabila nito wala silang natanggap na hazard pay.

Tanging regular na sahod lamang ang natatangap ng mga ito, na karamihan ay mga job order at mga contractual pa.

Ito ang idinaing at ikinuwento sa Brigada News FM Naga ni Ernesto Elcamel, ang head ng CDRRMO kaugnay sa benepisyo dapat nilang matanggap tulad ng mga ahensiyang katulong nila, sa Deparrtment of Health at Department of Social Welfare and Development Office.

Sa pahayag ni Elcamel, sinabi nito na ang mga Barangay Health Workers at mga taga DSWD ay may hazard pay ng natatanggap dahil may batas na ito.

Nilinaw niyang wala pang batas na nag-uutos na silang mga DRRMO ay may hazard pay kaya hindi naman nila masisisi ang pamahalaan , lalo na ang lokal na gobyerno kung wala silang natatanggap sa benipisyong ito na sana ay meron sila.

Umaasa na lamang sina Elcamel na sana ay mapansin ng gobyerno ang kahilingan nilang magka hazard pay din sila. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *