Mga Pilipinong nababahala sa COVID, record-high sa 91%; 60% nagsabing ‘worst is yet to come’ – SWS

Nadiksubre sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na 91 percent ng Filipino adults ang nangangamba na ang miyembro ng kanilang pamilya ay mahawa sa COVID-19, habang 60 percent ang naniniwalang “the worst is yet to come.”

Ang naturang bilang ng mga Pilipino na nababahala sa nakamamatay na virus ay ang highest recorded percentage, na mataas ng 87 percent mula na nakalipas na survey noong Hunyo.

Mula sa 91 percent, binigyang diin ng SWS na 76 percent ay “a great deal worried,” 15 percent “somewhat worried,” 4 percent “a little worried” at 5 percent ang “not worried” na mahawa ang immediate family sa COVID-19

Ayon sa SWS, ang percentage ng mga nagsabing “great deal worried” at “somewhat worried” na mahawa sa COVID-19 ay mataas sa Visayas sa 95 percent; sinundan ng Mindanao sa 95 percent; Metro Manila sa 91 percent; at Balance Luzon sa 88 percent.

Samantala, ang bilang naman ng mga Pilipino na naniniwalang “the worst is yet to come” sa COVID-19 crisis ay tumaas sa 60 percent noong Setyembre, na halos doble mula sa 39 percent na naitala noong June 2021.

Nalampasan rin nito ang naunang pinakamataas na naitalang percentage noong July 2020 sa 57 percent. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *