Mga pinagbalatan ng mais sa mga sakahan, huwag sunugin kundi gawing fertilizer – DA

Nanawagan ang Department of Agriculture Regional Field Office sa mga magsasaka na huwag sunugin sa kanilang sakahan ang mga pinagbalatan ng inaning mais kundi gawin na lamang na fertilizer.

Ito ang inihayag ni Regional Corn Program Coordinator Paul Vincent Balao sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, maaaring gawing organic fertilizer ang mga pinagbalatan ng mais kung saan itatambak lamang ito ng tatlong at pagkatapos ay pwede na itong gamiting fertilizer sa kanilang pagtatanim.

Bukod dito ay maaari ring magrequest ang mga magsasaka ng Compost Fungus Activator sa ahensya upang makagawa ng sariling organic fertilizer.

Lumapit lamang umano sa kani-kanilang Municipal o City Agriculture Office upang magpalista.

Ang Municipal Agriculture Office na mismo ang magpapaabot ng request sa Cagayan Valley Integrated Laborator o mga station nito sa bawat probinsya sa rehiyon.

Sa pamamagitan nito ay maiwasang mangyari ang insidenteng pagkasunog ng mga inaning mais ng isang magsasaka sa San Pablo, Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *