Mga Pinoy na atleta, tuloy sa paghahakot ng medalya

Walang patid ang pag-hahakot ng mga medalya ng mga atletang Pinoy sa nagpapatuloy na 31st SEA Games sa Vietnam.

Sa triathlon, nadepensahan ni Kim Mangrobang ang korona matapos nitong makuha ang ika-pitong gold medal ng Pilipinas para sa individual triathlon event for womens ; at bronze medal kay Raven Alcoseba.

Sa men’s individual triathlon naman, gintong medalya rin ang sinungkit ni Fernando Casares habang silver ang iniuwi ni Andrew Kim Remolino.

Gintong medalya rin ang baon-baon pauwi ni Aries Toledo para sa Men’s 100m decathlon race.

Samantala, handang-handa nang sumabak ang olympian na si EJ Obiena sa pole vaulting para depensahan ang kanyang medalya.

Samantala, sa rowing – bronze medal ang iniuwi nina Edgar Ilas at Zuriel Sumintac sa lightweight pair event.

Bronze din kina Cris Nevarez sa lightwieth single sculls event.

Silver namang ang sinungkit ni Agatha Wong sa Taolu Taijiquan event para sa Wushu.

Sa volleball, bigo ang men’s team laban sa Cambodia sa mga iskor na 21-25, 26-24, 28-30, 27-29.

Sa kasalukuyan, nananatili ang Pilipinas sa ika-apat na spot matapos kumaan ng 36 medals – 7 gold medals; 14 silver; at 15 bronze.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *