Mga Pinoy, nanatili sa top 2 social media at internet users sa buong mundo

Nanatili ang mga Pilipino sa top 2 social media at internet users sa buong mundo base sa inilabas na Digital 2022 report ng Hootsuite at We Are Social.

Sinasabing ang mga nasa edad 16 hanggang 64 ay may average na 10 hours at 27 minutes na nakakonekta sa internet kada araw sa nakaraang 12 buwan.

Ayon sa report, maraming Pinoy ang mas gustong gumamit ng kanilang mga cellphone sa pag-iinternet na may average na 5 hours at 47 minutes.

Samantala, lumabas naman na ang median mobile internet speed sa Pilipinas ay 18.68 mbps kung saan mababa ito sa median download speed ng mobile internet connection sa buong mundo na nasa 26.06mbps. || ARGIE ERGINA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *