Mga Pinoy sa Twitter, todo ang suporta para kay Rabiya Mateo

Tinodo na ng mga Pilipino ang kanilang suporta para sa kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe Pageant na si Rabiya Mateo.

Isang araw kasi bago ang coronation night ay nag top trending sa Twitter ang “RABIYA AngHulingBira”.

Libo-libo sa mga fans ang naniniwala na deserve ng Ilongga beauty queen na makoronahan bilang Miss Universe.

Bagamat marami ang umaasa na masusungkit ni Rabiya ang korona, ay meron din ang mga nagsabi na susuportahan nila si Rabiya, manalo man o matalo.

Gaganapin ang coronation night sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, sa May 16.

Nitong linggo lamang ay isiniwalat ng pageant website na Missosology na nasa ikatlong pwesto si Rabiya para sa kanilang “Final Hot Picks” sa 69th Miss Universe.

Matatandaan noong Sabado ay sinuot ni Rabiya ang yellow sun-inspired evening gown na dinisenyo ng Dubai-based Filipino designer na si Furne One sa preliminary competition. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *