Mga plano ng PNP, suportado ng kongreso kaugnay ng sunud-sunod na pamamaril sa mga pulitiko sa bansa ayon kay PNP chief Azurin

LEGAZPI CITY – Suportado ng kongreso ang mga plano ng Philippine National Police (PNP) pagdating sa budget, recruitment, equipment at legislation upang lalo pang mapagtibay ang crime prevention and crime solution sa bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Rodolfo Azurin, Jr. matapos magpaunlak ng interview sa local media sa katatapos lamang ng turnover ceremony sa pamunuan ng PNP Bicol regional office.

Ayon kay Azurin, suportado ng kongreso ang mga magiging plano nito o hakbang ng pulisya matapos ang sunud-sunod na pamamaril sa mga inihalal na opisyal.

Aniya, kitang-kita naman ang pagbaba ng bilang ng mga krimen sa bansa na umaabot sa 19-23% kung ikukumpara sa nakaraang taon.

Binigyang-diin nito na kailangan din ang tulong ng publiko at kooperasyon upang masolusyunan ang nangyayaring krimen sa mga elected officials sa bansa.

Kung matatandaan umano ay tinambangan ang grupo ni Governor Bombit Adiong sa Lanao del Sur, kung saan sugatan ang opisyal at patay ang apat sa kanyang police security.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *