Mga playing venue na nagagamitin para sa Modified Palarong Bicol 2023 sa Naga City handa na

NAGA CITY – Inihahanda na ng Lokal na Pamahalaan ng Naga ang mga playing venue na gagamitin para sa Modified Palarong Bicol 2023.

Magkakaroon ng minor repair, nalinisan o naayos na rin ang ibang parte ng venue.

Gaganapin kasi sa Metro Naga Sports Complex ang truck and field competition sa oval at ang swimming competition sa Olympic size swimming pool. Sa Naga City Gymnasium naman ang gymnastic, special event para sa mga batang persons with disability at maging iba pang competition tulad ng archery.

Ayon kay City Admin, Elmer Baldemoro, maliban kasi sa mga billeting area na gagamitin na nasa upper schools sa lungsod, nais rin tiyakin na maayos at ligtas ang mga playing venue.

Maging sa medical aspect handa na rin, ang mga medical personnel na ipapadala ng Department of Education dadagdagan mula sa City Health Office, na idedeploy sa mga venue, nakapagrequest na rin ng gamot.

Ayon pa kay Baldemoro, tiniyak na rin na sapat at may tubig sa mga billeting area para sa mga delegado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *