Mga posteng nasa gitna ng kalsada sa upland barangays ng Legazpi City, tatanggalin na

LEGAZPI CITY – Halos ilang taon din na hindi pinansin ang pag-alis ng mga poste na nasa gitna ng kalsada sa lunsod ng Legazpi matapos palawakin ng DPWH at City Engineering Office ang National Road at Barangay Road.

Ayon kay Mayor Geraldine Rosal, isusunod na rin dito ang pagtanggal ng poste ng kuryente na nasa gitna ng kalsada.

Aniya, hindi maaaring manatili ang mga ito sa gitna dahil magdudulot ito ng aksidente.

Dahil dito, humingi ang alkalde ng tulong mula sa ALECO na mabilis namang inaksyunan.

Kung babalikan, inuna ng ALECO ang pagtanggal ng poste sa bahagi ng Barangay Rawis nitong nagdaang linggo.

Sinabi pa ng alkalde ang pagpapalawak ng mga kalsada sa mga barangay road at farm to market road ay isang paraan upang mapabilis ang transportation ng mga gulay patungo sa centro ng Legazpi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *