Mga preso sa SoCot prov’l jail, simula na sa paggawa ng parol

KORONADAL CITY — MAAARI nang umorder ng mga parol na gawa ng mga preso sa South Cotabato Provincial Jail kasabay ng pagsisimula ng ber months.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay OIC Jail Warden Lory Celeste, sa mga gustong umorder, maaaring pumunta lamang sa kanilang tanggapan.

Naka-depende naman umano sa laki ng parol ang presyo nito.

Una rito, nagsimula na ang mga preso sa paggawa ng mga parol at may mga nagpadala na ng order.

Hiling ni Celeste sa publiko na tangkilikin ang parol na gawa ng mga preso dahil malaki ang tulong nito para sa kanila at kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *