Mga pribadong paaralan, pinayagan nang magsimula ng klase

Inanunsyo ng Department of Education na pwede nang simulan ng private elementary at high schools ang kanilang mga school year bago pa ang final approval ng general school calendar para sa basic education sa bansa.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones sa isang advisory na pwede nang simulan ng private schools ang School Year 2021-2022 sa kondisyon na hindi ito magkakaroon ng face-to-face classes.

Dagdag ni Briones, dapat tiyakin ng mga paaralan ang istrikstong implementasyon ng distance learning modalities.

Pero ayon sa kalihim, kailangan ng mga private at non-DepEd public schools na nagpaplanong magsimula ng klase bago ang general school opening ng lahat ng mga kinakailangan na dokumento sa regional director, base sa requirement na makikita sa ilalim ng DepEd orders on readiness assessment.

Kabilang sa non-DepEd schools ang mga suportado ng gobyerno ngunit hindi nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DepED, kabilang na ang science high schools at ang mga laboratory schools ng public higher education institutions.

Tanging ang mga public elementary at high schools lamang ang minamandato na sumunod sa general school calendar, habang ang private schools naman ay nabibigyan ng flexibility na magtakda ng sarili nilang schedule para sa opening ng mga klase.

Una nang sinabi ng DepEd na bibigyan nito si Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong options para sa pagbubukas ng bagong school year sa public schools, ito ay sa August 23, sa September 6 o sa September 13.

Inaasahan naman na mailalabas ang final school calendar oras na makagawa na ang Pangulo ng desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *