Mga produktong Energy Efficient At Environment Friendly tampok sa Clean Energy Fair sa isang mall sa Daet

CAMARINES NORTE- Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dalawang araw na Clean Energy Fair sa Central Plaza Mall Atrium kung saan tampok ang mga produktong energy- efficient, environment- friendly at solar powered products

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Consumer Rights Day na may titulong Empowering Consumers through Clean Energy Transition.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay DTI Provincial Information Officer Gary Rafanan sinabi nito na ang aktibidad ay bilang bahagi ng promotion sa mga produktong maganda ang epekto sa kapaligiran.

Magandang investment din umano ito dahil ang mga produkto ay hindi nakadepende sa kuryente lalo’t nakakaranas ang lalawigan ng minsang power interruption.

Kung magagamit ang ganitong alternative technology sa mga negosyo, bahay o opisina ay hindi na umano gaanong magdedepende sa kuryente mula sa electric cooperative bukod pa sa ligtas ang mga ito at environment friendly pa.

Bukod dito, tiniyak ni Rafanan na accredited ng DTI ang mga kumpanyang nag-oofer ng ganitong produkto na lumahok sa fair

Kaya makaasa umano ang mag consumer na legit at hindi sila tatakbuhan sakaling magkaroon ng deperensya ang produkto.

Hindi umano ito katulad ng mga supplier na fly-by-night o ang mga nakikita online na minsan ay hindi legit.

“Ito po yung magandang ino- offer nila na hindi lamang po basta pagkabili ng produkto hindi niyo na kaagad sila nakikita, kundi meron silang warranty na tinatawag, so ibig sabihin yung warranty kasi nagpapatunay ito na yung product ay de kalidad at kung sakali naman katulad ng ibang product na may hidden defect kasi kung sa manufacturer, ibig sabihin liable pa rin naman yung supplier natin na palitan yan kung sakali ngang may hidden defect,” ani Rafanan.

Unlike po nung mga nakikita natin sa online kasi,  honestly wala tayong mga supplier pa na ng ganitong mga klaseng product sa probinsiya, ang mga natatanong namin dun sa mga initial coordination namin bumibili pa sila sa labas ng Camarines Norte so as far as Camarines Sur or sa NCR, so ang maganda dito ngayong araw hanggang bukas, dinala natin itong mga supplier na to, legit supplier para mai- offer nila yng mga products nila mai- display dito at maibenta na rin kung sakalaing merong mga wiling na bumili ng mga produkto.

Tatagal ang Clean  Energy Fair hanggang ngayong araw, March 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *