Mga programa ng PGA, mas pinalalakas katuwang ang World Bank – IFC gamit ang makabagong teknolohiya

LEGAZPI CITY – Mas pinalakas pa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang kanilang mga programa katuwang ang World Bank-International Finance Corporation (WB-IFC).

Ang mga ito ay magtutulungan para sa makabagong teknolohiya at inobasyon sa pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Ang pahayag na ito ay kaugnay nang isinagawang pagpupulong kasama ang World Bank-International Finance Corporation (IFC) sa pangunguna ng Country Manager nito na si Jean-Marc Abrogast.

Ipinakita nito ang mas detalyadong presentasyon mula sa Agrilever kasama si Albay Agriculture Cooperative President Jose Obligacion para sa inaasahan na pagpapalakas ng Digital Clustered Rice Farming Program sa lalawigan ng Albay.

Napag-alaman na nakatakda rin na mag-presenta ang lalawigan ng mga proposals na maaring mapondohan ng IFC at ng iba pang mga private partners na maaring umabot hanggang sa isang bilyong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *