Mga pulis sa buong bansa nananatiling nasa ‘high spirits’ mula BSKE hanggang Undas

Nananatiling nasa high spirits ang mga miyembro ng Philippine National Police sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., dahil sa magandang feedback nang pagbibigay seguridad sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at ngayong Undas.

Si Gen. Acorda ay nag inspeksyon sajjn Manila North Cemetery kaninang umaga.

Sabi niya, alam niyang pagod ang mga pulis sa dalawang magkasunod na malaking kaganapan sa bansa, pero nawawala aniya ang pagod kapag nakakatanggap ng magandang feedback mula sa mga mamamayan ang kapulisan.

Kaugnay nito, sinabi ng PNP Chief na kailangan din magpahinga ang mga pulis kaya ibababa ang full alert status ng PNP pagkatapos ng Undas.

Pero nasa diskresyon ng mga area commanders kung palalawigin ito sa kanilang nasasakupan depende sa situasyong panseguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *