Mga pulis sa lungsod ng Naga na tututok sa Peñafrancia De Mayo dini-deploy na

NAGA CITY – Unti-unti ng dinideploy ng Naga City Police Office ang mga personaheng tututok sa Peñafrancia de Mayo 2023.

Ayon kan PLTCOL. Honesto Garon, Deputy City Director for Administration ng NCPO, aabot sa 100 personahe ang tututok sa buong lungsod bilang paghahanda sa gaganaping malaking aktibidad.

Ito’y upang maiwasan ang anumang kaguluhan na maganap sa gagawing prusisyon sa Mayo 22, 5:45 ng hapon kung saan galing ng Basilica ay dadalhin ito sa Naga City Peoples Mall.

Samantala, sa darating Mayo 26, 2023 sa ganap na 7:00 ng gabi ay ang Fluvial Procession at Lantern Festival, kung saan galing ng NCPM ay ibabalik ang imahe ng Peñafrancia sa Basilica Minore sa pamamagitan ng pagsakay nito sa pagoda sa Naga River.

Ang Mayo ay buwan ni Birheng Maria, ang okasyon ay inilaan din para sa mga kababaihan na hindi nakikipagsabayan sa mga voyadores tuwing Traslacion at Fluvial Procession tuwing Setyembre. Sadyang sa NCPM din ito nanatili ng ilang araw mula sa Basilica Minore para naman sa mga negosyanteng abala rin sa nasabing buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *