Mga residenteng apektado ng ngangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at NPA, nakatanggap ng tulong

Nakatanggap ng tulong ang mga residente sa Barangay Hacienda Intal sa Baggao, Cagayan na naapektuhan ng nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army at Militar.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DSWD Regional Field Office 2, sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD) ay ipinaabot ang tulong sa 40 na Internally Displaced Persons o mga naapektuhan ng engkwentro.

Kabilang sa natanggap ng mga ito ay family food packs, hygiene kits, sleeping kits at tig-5,000 piso.

Sa kabuoan ay nasa P425,000 ang inilabas na pondo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.

Bukod dito ay nagsagawa naman ng outreach program ang Cagayan Police Provincial Office sa Barangay Sta. Margarita particular sa mga residenteng nananatili sa evacuation center.

Nagbigay ang kapulisan ng mga grocery items at health assistance sa mga residenteng may comorbidities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *