Mga residente ng NCR na nasa labas ng rehiyon, di papayagang makabalik habang ECQ

Hindi muna papayagan ang mga residente ng Metro Manila na nasa labas ng rehiyon na makabalik sa kanilang bahay habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar, tatapusin muna ang ECQ, bago papasukin ang mga ito.

Dagdag ni Eleazar, ito ang dahilan kung bakit senet-up ang mga borders sa NCR Plus, upang maiwasan ang pagkakaroon ng exodus na lalabas at papasok na mga tao.

Muli namang nilinaw ng PNP chief, na ang mga authorized persons outside residence o essential workers ay papayagang makapasok sa NCR. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *