Mga residente ng Tupi, pina-alerto sa mga kalamidad dala ng pag-ulan


KORONADAL CITY — PINA-AALERTO ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO ng Tupi ang mga residente ng bayan ukol sa mga kalamidad na dala ng pag-ulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Emil Sumagaysay, MDRMM Officer ng Tupi, sinabi nito na malaki ang posibilidad na magdadala ng mga malalakas na hangin o buhawi at mga pagbaha ang mga nangyayaring pag-ulan.

Dahil dito, nagpa-alala si Sumagaysay sa publiko na agad lumikas sakaling may mga risgo ng pagbaha upang hindi malagay sa alanganin.

Una rito, 27 mga bahay ang nasira sa nasabing bayan dahil sa malakas na hangin ang pag-ulan noong Lunes na nakaapekto sa mga mga barangay ng Tubeng at Palian. Maliban sa mga bahay, may ekta-ektaryang pananim din ng pinya at papaya ang sinira ng malakas na hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.