Mga residente  sa Caramoan hinahatiran pa ng tubig kasunod ng pagkakaka ospital ng mga residente diarrhea

NAGA CITY – Bitbit ang iba-ibang laki at kulay ng containers, pila-pila ang mga residente sa pagkuha ng tubig sa supply na dala ng Bureau of Fire Protection sa Maligaya, Caramoan Camarines Sur.

Bawal pa kasing kumuha o umigib sa kung saan matapos ang pagkakasakit ng mga residente, marami ang naospital dahil sa diarrhea na bunga ng kontaminadong tubig.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni BFP Officer-in-Charge SFO1 Jose  Latade Jr. , nakadalawang balik na sila sa lugar, aabot sa 2,000 na litro ang bawat karga sa fire truck.

Kumukuha aniya sila ng tubig sa water district na bago ipamahagi , dumaan na sa treatment ng Rural Health Unit. Katuwang aniya nila sa pamamahagi ng tubig ang RHU at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *