Mga residente sa Naga mag-ingat sa mga sakit na makukuha sa baha- Health Committee

NAGA CITY – Naglabas ng paalala sa publiko lalo na sa mga taga lungsod ng Naga si Dr. at City Councilor Sonny Rañola, Health committee chairman sa konseho ng Sangguniang Panglungsod hinggil sa peligrong makukuha sa paglusong at pagtampisaw sa baha.

Leptospirosis, alipunga at iba pang skin diseases ang tiyak na makukuha sa baha ,ayon sa konsehal.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang ang mga skin diseases na iyo ay hindi lang sa mga bata kundi maging sa mga adult, kaya kailangan mag-ingat ang lahat.

Wala pa naman aniya silang naitatalang kaso nito sa lungsod, kaya umaasa siyang sana wala nga hanggang sa matapos ang pag-ulan.

Kung magkaroon man nito ay agad namang magpa konsulta sa doctor para mabigyan ng agarang medical o anumang anti-biotics.

Sa datus naman ng Department of Health may tatlong libong kaso ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa o 84% na pagtaas kung ikukumpara noong nakaraang taon 2021. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *