Mga residente sa Spain nag-party matapos tanggalin ang COVID-19 lockdown

Tila hindi na alintana ng maraming mamamayan ng Spain ang COVID-19 pandemic matapos mag-party-party ang maraming tao matapos na tinuldukan ng kanilang gobyerno ang curfew partikular sa 13 rehiyon.

Ipinagdiwang ng mga mamamayan sa mga beaches ng Barcelona at mga lansangan ng Madrid ang pagtatapos ng six-month state of emergency dahil sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Kapansin-pansin naman na marami sa mga tao ang hindi na nagsuot ng mask at wala nang social distancing. Nilinaw naman ng mga nagpapatrolyang otoridad na bawal pa rin ang gathering ng higit sa anim na tao sa isang lugar.

Maging sa capital city Madrid, kinailangan pang itaboy ng mga pulis ang mga tao sa central Puerta del Sol square dahil marami sa mga tao doon ang nagsasayawang at nagkakantahan. Napag-alaman na mayroong 198 COVID-19 cases sa bawat 100,000 na populasyon sa buong Spain.

Sa ngayon ay nasa 28% na ng 13.2 million population ng Spain ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine

Leave a Reply

Your email address will not be published.