Mga residente sa Virac, Catanduanes na nag positibo sa COVID-19 variants of concern, muling isasailalim sa swab testing

BNFM BICOL—Inihayag ni Virac, Catanduanes Mayor Sinforoso Sarmiento na bagamat idineklara nang recovered o gumaling ang mga indibidwal sakanilang bayan na tinamaan ng variants of concern ng COVID-19, ay isasailalim pa ring muli ang mga ito sa RT-PCR test.

Ayon sa alkalde, ito ay bahagi ng kanilang ginagawang hakbang upang mapigilan ang posibleng malawakang hawaan ng sakit sa lugar partikular ang transmission ng mga VOC.

Sa pamamagitan ng muling pag test sa mga ito at maging sa kanilang mga closed contacts, malalaman ng LGU kung carrier pa rin ang mga ito at matitingnan na rin kung kumakalat na ang mga variants of concern sakanilang bayan.

Samantala, binigyang diin naman ng alkalde ang tungkol sa umano’y matagal na paglabas ng resulta ng DOH sa mga indibidwal na infected ng COVID-19 variants sakanilang bayan.

Katunayan aniya, inabot ng halos isang buwan bago nila nalaman na may residente na pala mula sakanilang bayan ang positibo sa COVID variants ngunit matagal na ring naideklara bilang “recovered” sa sakit.

Dagdag pa nito, sa ngayon aniya ay nasa  humigit kumulang 30 mga contact tracers ang idineploy ng DILG sa bayan ng Virac upang tutukan ang mga barangay na may mataas na kaso ng coronavirus.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *