CAMARINES SUR – Isa nang ganap na Super Typhoon ang Bagyong si Egay. Ito ay ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 18 ng PAGASA. Base pa sa forecast nanatiling banta ang Super Typhoon Egay sa Northern Luzon.
Ang lalawigan ng Camarines Sur ay patuloy na nakararanas ng malakas na pagbuhos ng ulan lalo pa kaninang umaga, habang ang ilang bayan naman nakararanas ng malakas na hangin. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PAGASA Camarines Sur Chief Meteorological Officer Fred Consulta, epekto ito ng Habagat. Kaya malayo man ang Super Bagyo sa kalupaan ng probinsya, pinag-iingat pa rin ang mag nasa critical areas, o mga nasa lugar na madaling bahain gayundin ang mga nasa paanan ng bundok.
Inabisuhan naman ng Environment, Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO, patuloy na magmonitor sa kondisyon ng kanilang lugar.