Mga rice retailers na hindi nakapunta sa araw ng payout, pagbibigyan pa rin na makuha ang ayuda

Makatatanggap pa rin ng ayuda ang mga rice retailers na napasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program.

Ito ang tiniyak ng Department of Trade and Industry kahit pa bigong makuha ang cash assistance sa mga panahon ng payout.

Ayon kay DTI Zambales Dir. Ike Tacbad, sa una at ikawalang batch ng payout sa Zambales ay mayroong hindi nakakapunta sa schedule maliban pa sa mga kulang sa requirements para makapag-claim.

Ganunpaman, siniguro ni Tacbad na hindi babawiin ng pamahalaan ang ayuda na dapat ay pakinabangan ng mga rice retailers na sumunod sa isang buwang price ceiling sa bigas.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *