Mga sanggol at may edad na, ingatan sa nararanasang sobrang init ng panahon ngayon- MHO Bula, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Iba ang nararanasang init ng panahon ngayon, kahit gabi na mataas parin ang temperatura.

Ito ang naaobserbahan ng mga residente sa Camarines Sur. Kaya naman pinag-iingat ang mga may edad na lalo na ang mga may sakit, pina-iingatan rin ang mga sanggol o kahit pa mga bata.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Evangeline Consulacion , Municipal Health Officer ng Bula, sinabi nitong dapat laging hydrated ang mga sanggol pati ang mga batang pinapawisan lagi, gayundin ang mag mahina na ang tolerance sa init. Regular ang pag-iikot ng mga personahe ng MHO para monitor ang kalusugan ng mga residente.

Ayon kay Weatherman Mike Padua, normal pa ang ulan nitong Hunyo at Hulyo, sa pagtatapos ng Agosto makikita kung bumaba na ang lebel ng rainfall , kung below normal na , nagsisimula nang maranasan ang epekto ng El Niño Phenomenon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *