NAGA CITY –Kompiyansa ang Muslim community sa Naga City na walang magkakasakit ng Malala sa kanilang mga anak na sanggol at mga bata dahil sa kabilang na rin ang mga ito sa nabakunahan sa nagpapatuloy na Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) 2023 ng Department of Health.
Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Mike Mustapha, ang head ng Muslim Community Affairs Office sa lungsod, bilang reaksyon sa vaccination activity na ito ng City Health Office at ng Department of Health.
Batay sa pahayag ni Mustapha, masaya silang mga Muslim dahil sa lagi silang nakakapag-avail ng mga ganitong mga programa lalo na kung tungkol sa kapakanan sa kalusugan ang ipinatutupad.
Kakaunti din lang aniya ang mga sanggol sa compound nila sa Barangay Concepcion Pequeña, subalit marami naman ang mga batang nasa dalawang taon gulang pataas.
Mahigit sa dalawang libo ang kabuuang populasyon ng mga Muslim sa Naga City at lahat ng mga ito ay mga permanente ng resedente at botante ng lungsod.