Mga sasakyang bumibiyahe sa Naga nabawasan- PSO

NAGA CITY – Nabawasan ang mga bumibiyaheng sasakyan sa Naga, pampubliko man  o pribado. Ito ang naobserbahan ng Public Safety Office.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Executive Director Renne Gumba.

Aniya, bumababa ang bilang ng mga pampublikong sasakyang namamasada sa lungsod, ganito rin  sa pribadong sasakyan. Dumami naman ang bumibiyaheng motorsiklo.

Hindi matukoy ng opisyal kung ito ay dahil sa patuloy na pagsirit ng produktong petrolyo o kaya naman ang libreng sakay sa lungsod na programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Mababatid na ang epekto ng tensyon sa pagitan ng  Russia at Ukraine ang idinadahilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *