Mga shellfish na pumapasok sa lalawigan partikular ang tahong ligtas – BFAR

CAMARINES NORTE – Pinawi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pangamba ng publiko partikular ng mga taga Camarines Norte kaugnay sa Red tide.

Kasunod yan ng nangyaring Red tide poisoning sa 25 indibidwal kasama na ang apat na menor de edad sa Masbate matapos na makakain ng Tipay o windowpane oyster na isang uri ng shellfish.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam siniguro nito na ligtas ang mga pumapasok na shellfish sa lalawigan partikular ang tahong.

Aniya lahat ng ports sa Bicol ay mayroong mga naka- assign na quarantine officer na nag iinspeksyon ng mga pumapasok at lumalabas na shellfish galing sa ibang lugar.

“Halimbawa po kung galing Masbate bago yan lumabas doon sa Masbate  doon sa port pa lang iniinspeksyon na po yan at pagdating nila sa Sorsogopn iniinspeksyon pa din po nila ulit yan, kaya nado double check po yan, parehas din po sa Sorsogon o kaya galing samar pagdating po niyan sa Matnog, iniinspeksyon din po yan doon bago siya lumabas kaya yung lahat ng mga shellfish na pumapasok sa atin galing sa ibang lugar safe po yun,” ani Tiam.

Kailangang kumpleto ang mga dokumento na nagpapatunay na ligtas sa anumang sakit ang mga shellfish.

Pinayuhan din Tiam ang publiko na agad lutuin ang tahong dahil hindi tumatagal ang buhay nito.

Kadalasang tumatagal lang umano ang buhay ng tahong ng  dalawa hanggang tatlong araw.

Kapag bumuka na ito ay nangangahulugang patay na ang tahong.

“Dapat po kasi kung iha-harvest na siya immediately ano na po siya dapat lutuin na kasi po hindi tumatagal yung buhay nila, kasi nga hindi naman yan puwedeng yelohan mga isang araw o dalawang araw po namamatay yan.”

“Kinakailangan po obserbahan niyo yung tahong na dapat makita niyo na intact pa po sila na ano na saradong sarado at pag yan po ay bukas na ibig sabihin patay na yung tahong at hindi na po siya magandang kainin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *