Mga sinaunang alahas na pinaniniwalaang ginto, nahukay sa dalampasigan sa Palawan

Usap-usapan ngayon ng mga Palaweño ang mga nahukay na antigong banga na may laman na lumang alahas na pinaniniwalaan ngayon na mga ginto.

Kamakailan lamang, dinagsa ng ilang tao ang isang baybayin sa Barangay Saraza sa Brookes Point, Palawan kung saan nagmula ang mga alahas.

Nitong Sabado, inabutan ng Brigada ang iilan na naghuhukay sa tabing dagat at ang pakay- makakita ng sinasabing mga antigo.

Pinakita rin ng ilang tao na naroon ang mga nakuhay umano nilang alahas matapos ang ilang araw na paghahanap habang ang ilan sa kanila ay inaming nakapag-benta na raw.

Ang tabing dagat kung saan naghuhukay ang mga tao ay public beach kaya hinahayaan na lang muna niya ang mga ito na makahanap ng alahas, ayon sa punong barangay.

Samantala, nakarating na ang balita sa Palawan Studies center subalit wala pa silang pahayag patungkol rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *