Malapit nang makakuha ng 10% discount at value-added tax exemption ang mga solo parents sa pagbili ng mga mahahalagang bagay tulad ng gatas , diaper, at mga gamot para sa kanilang mga anak na anim na taong gulang pababa.

Ayon kay National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, kamakailan ay ipinalabas ng Bureau of Internal Revenue ang Revenue Regulations No. 1-2023 para sa implementasyon ng Expanded Solo Parents Welfare Act.
Nilinaw naman ng mambabatas na ang bibigyan ng benepisyo ay ang mga solo parent na kumikita ng P250,000 pababa kada taon.
Ayon sa utos ng BIR, ang ibinigay na diskwento at VAT exemption ay maaaring ibawas sa buwis na babayaran ng establisyementong binilhan.