Mga stranded sa Camarines Sur patungong Masbate, nadagdagan pa

CAMARINES SUR- Nadagdagan pa ang stranded na pasahero sa Pacasao Port sa Camarines Sur patungo sa lalawigan ng Masbate.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni CPO Santos Junio Jr ng Philippine Coast Guard Pasacao Substation. Aniya kung kahapon ay mahigit 160 ngayon ay 181 na. Karamihan sa kanila ay mga galing sa Maynila na nagbakasaling makabiyahe dahil malayo naman sa lalawigan ang Super Typhoon Egay, pero pinalakas pala nito ang Habagat na nagdadala naman ng alon.

Kaugnay nito nagtulong-tulong ang PCG, PNP at ang lokal na Pamahalaan upang mabigyan ng pagkain ang mga stranded passengers simula pa kahapon.

Inaabisuhan pa ni Junio ang mga nasa Maynila na huwag na munang tumuloy hanggat hindi  gumaganda ang lagay ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *