Mga suspek sa panghohold-up sa Puerto Princesa, i-report agad sa PNP- PPCPO

Nagbabala ang Puerto Princesa City Police Office sa publiko kaugnay sa mga suspek na nanghold-up sa isang karenderya sa Barangay San Jose noong ika-1 ng Pebrero 2023.

Ayon kay Lt. Co. Mark Allen Palacio, armado at delikado ang mga suspek na sina Jhon Dela Cruz alyas Buddy Dela Cruz, Alim Enggos alyas Alim at si alyas Kobet na pawang mga residente ng Quezon, Palawan.

Inihayag ng testigo na si alyas Buddy Dela Cruz ang may hawak ng baril noong gabing iyon.

Ang mga suspek ay hindi pa nahuhuli ng pulisya subalit sila ay sinampahan na ng kasong Robbery with Homicide nitong nakalipas na Biyernes, ika- 17 ng Pebrero 2023.

Kinilala umano ng biktima ang mga suspek nang kanilang pasukin at holdup-in ang Ohwhens and Whitney Carinderia na nagresulta ng pagkasawi ng isa nilang kasamahan.

Sakali umanong may impormasyong nalalaman ang publiko sa posibleng kinaroroonan nito ay agad na mag-report sa kinauukulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *